Powered by iPetitions - start your online petition now

The petition


5 KASALANAN NI GLORIA SA MIGRANTENG PILIPINO
At ang mga Dahilan kung bakit dapat TUTOL sa CON-ASS!

Parang AH1N1 virus na nasa limang daliri ng kamay ni GMA na pilit na hinuhugasan, at pinagtatakpan ng isinusulong nitong CHA-CHA.

1.)Gusto naming wakasan na ang pananalasa ni Gloria sa kabuhayan at karapatan ng sambayanan!
-Dahil palalawigin pa ng pakanang Con-Ass ang siyam na taon nang paglulunoy sa kapangyarihan ni Gloria, kanyang pamilya at mga kroni. Pahahabain pa nito ang ating kalbaryo ng pagdarahop at pagsikil sa ating karapatan. Magbubukas din ito ng pinto para sa diktaduryang Arroyo gaya ng kay Marcos.

2.)Gusto naming managot si Gloria sa lahat ng krimen laban sa mamamayan na kanyang ginawa!
-Dahil palulusutin ng Con-Ass si Gloria, kanyang pamilya at mga kroni sa kriminal na pananagutan sa patung-patong na kaso ng korupsyon, pandaraya, pagkainutil sa serbisyo at pamamaslang.

3.)Ayaw naming tumindi pa ang pangangalakal ni Gloria sa OFWs sa ibayong dagat!
-Dahil patitindihin pa ng pagtagal ni Gloria sa poder ang lansakang pag-eksport ng manggagawang Pilipino sa ibayong dagat, lumiliit ang remitans at patuloy na panghuhuthot ng mga bayarin ng mga OFWs, garapalang nagbabandila ng labor export program sa halip na harapin ang paglikha ng trabaho sa sariling bayan.

4.)Ayaw naming lumala pa ang panloloko at pang-aalipin sa mga OFWs!
-Dahil pararamihin at palalalain pa ng pagtagal ni Gloria sa pwesto ang mga kaso ng paglabag sa karapatan ng OFWs. Pinakamasahol ang rekord ng rehimeng –Arroyo sa kriminal na pagpapabaya sa mga OFWs na biktima ng iligal na rekrutment, pang-aabuso, pagpatay at iba pa.

5.)Tutol kami sa lansakang pagbenta ng likas na yaman at pagsasamantala sa soberanya ng bansa!
-Dahil magpapahintulot ang Con-Ass sa paglalagay ng probisyon sa konstitusyon sa 100% pag-aari ng dayuhan sa negosyo, sa lupain at likas na yaman ng bansa. Kahulugan nito’y ibayong kahirapan at lalong paglayo ng bansa sa minimithing ng mamamayan sa tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon.

Walang batas na kinikilala, walang katwirang tinatanggap ang mga tutang alipores ni Gloria sa loob ng Kongreso. Tanging pagbabangon ng mamamayang nagmamartsa sa lansangan ang makabibigo sa maitim na balaking baguhin ang konstitusyon para sa kapakinabangan ni Gloria. Sama-sama tayo, CON-ASS at Gloria, IBASURA!

Sa pagkilos ng sambayanan, nakikipagkaisa ang migranteng Pilipino at pamilya, buhos-lakas para hadlangan ang Con-Ass at CHA-CHA!

MAKILAHOK SA PANAWAGAN:
Di ako magpapadala,
Sa unang araw ng CON-ASS!
CHA-CHA NI GLORIA, IBASURA!

Sign the petition

Fields marked  *  are required.

* Name:
Country:
* Email:
* Comments:
Display my name as anonymous on the signatures list
Yes, I want iPetitions to contact me on similar campaigns or petitions.
  
 

 

Petition sponsor

Migrante International is an alliance of progressive organizations composed of overseas Filipinos and their families. We uphold and advance the rights and welfare of overseas Filipinos within the framework of the Filipino people’s national democratic struggle.

Migrante calls that the exploitative and inhuman trading of labor should be stopped. Government should focus on the protection of Filipinos abroad and in its primary role of regulating migration and running after unscrupulous employers and recruiters; and should not engage directly or indirectly in peddling its citizens abroad like ordinary commodities. More importantly, the Arroyo government must concentrate in solving the economic problems of the country and generates local jobs so that ordinary Filipinos need not be separated from their loved ones
-----------------------------

SA MGA NAGSUSULONG NG CHACHA

Mabuti pa sa inyo ang mga buwaya
Kapag nabusog na’y di na naniniba
Hindi tulad ninyong mga walang kabusugan
Sa yama’t kapangyarihan
Sagpang pa rin ng sagpang sa naghihingalong bayan

Mabuti pa sa inyo ang mga baboy
Nananaba sa tira- tirang pagkain
Ng kung kaninumang hapag-kainan
Hindi tulad ninyong nabubundat, nagpapakasasa
Sa kabang yaman ng bayan

Mabuti pa sa inyo ang mga unggoy
Marunong magtakip ng mukha, marunong mahiya
Hindi tulad ninyo na sobrang garapal, mukha’y makakapal
Bistado na’t lahat ayaw pa ring paawat
Ang baya’y harap-harapang ninanakawan

Mabuti pa sa inyo ang mga aso
Marunong kumilala’t magserbisyo
Sa taong sa kanya’y nagpapakai’t bumubuhay
Hindi tulad ninyong matapos palamuni’t payamanin
Naming nga migrante at sambayanang Pilipino
Kami pa ang inyong ipinagkakanulo, ipinapahamak at pinapaslang.

Sige! Kayo’y humahalakhak!
At magpakalasing sa tuwa at galak sa inyong maitim na balak
Dahil habang sa cha-cha kayo’y umiindak
Nagmamartsa ang bayang sa inyo’y magbabagsak.

 

Links

http://migranteinternational.o...

Sponsored links

 

The views expressed in this petition are solely those of the petition's sponsor and do not in any way reflect the views of iPetitions. iPetitions is solely a provider of technical services to the petition sponsor and cannot be held liable for any damages or injury or other harm arising from this petition. In the event no adequate sponsor is named, iPetitions will consider the individual account holder with which the petition was created as the lawful sponsor.