Bagong Bayani OFW 0

Voices of the OFW : Eliminate GAMCA Decking System

2495 people have signed this petition. Add your name now!
Bagong Bayani OFW 0 Comments
2495 people have signed. Add your voice!
50%
Maxine K. signed just now
Adam B. signed just now

Sa loob ng siyam na taon, ang karapatan na mamili ng medical clinic na kung saan magpapasuri ang mga Pinoy na gustong magtrabaho sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Bahrain, Oman at Qatar (mga bansang bumubuo sa GCC - Gulf Cooperating Countries) ay tinanggal at pinagharian ng GAMCA (GCC Approved Medical Centers Association). Sila ang nagdidikta kung saan puedeng kumuha ng kanilang medical examinations ang mga Pilipinong manggagawang patungo sa mga bansang nabanggit. Sa loob ng siyam na taon, nakailang palit na ng DOH Secretaries at nakailang labas na rin ang bawat isa sa kanila ng kautusan na tigilan na ang Decking System ng GAMCA pero heto, tuloy pa din ang pagbabalewala ng isang pribadong organisasyong ito ng mangilan-ngilang medical clinics. Sa loob ng siyam na taon, ang boses ng iilan ay nangibabaw. Panahon na para naman pakinggan ang boses ng mga milyon-milyong manggawang Pilipino sa ibang bansa at ang kanilang mga kamag-anak. Sama-sama nating ihatid sa mga kinauukulan ang ating pinagsama-samang boses na AYAW NA NATIN SA GAMCA REFERRAL DECKING SYSTEM.

Sponsor

Ang petition na ito ay pinangungunahan ng PASEI - Philippine Association of Service Exporters Inc. - samahan ng mga POEA-registered overseas manpower agencies. PASEI celebrates 2009, The Year of Ethical Conduct and Best Recruitment Practices of Overseas Employment Service Providers

Links

Para sa inyong mga karagdagang komentaryo, bisitahin ang http://fightgamca.multiply.com/ Maari din po ninyo ilathala dito ang inyong mga mapapait na karanasan sa mapaniil na sistema ng GAMCA.Ipadala sa fightgamca@gmail.com at ito ay ilalathala sa http://fightgamca.blogspot.com/
Share for Success

Comment

2495

Signatures