Juan Dela Cruz 0

Philippine Embassy Satellite Office Request in Erbil

72 people have signed this petition. Add your name now!
Juan Dela Cruz 0 Comments
72 people have signed. Add your voice!
15%
Maxine K. signed just now
Adam B. signed just now

Hiling para sa isang karugtong na opisina ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad dito sa Erbil, Iraq.

Ito ay isang petisyon upang humiling ng isang maliit na opisina na magtataguyod ng interes ng Pilipinas dito sa Erbil, Iraq at makapagbigay ng serbisyo sa libo-libong mamayanan naninirahan dito. Ito ay nararapat at napapanahon sa mga kadahilanang nasusulat sa ibaba:

1. Ang populasyon ng mga Pilipino sa Erbil ay kumakatawan sa siyam na pung porsyento ng buong populasyon sa Iraq.

2. Ang banta ng ISIS ay ilang oras lamang ang layo sa Erbil. Malaki ang maitutulong na magkaroon ng liderato sa Erbil di lamang para sa mga Pilipinong naninirahan dito ngunit para na rin sa mga karatig lugar na ang magiging takbuhan ay ang nasabing siyudad sa oras na magkaroon ng paglikas.

3. Para sa mga kababayan natin na biktima ng "illegal recruiter", walang papel at hindi legal ang pagtira o pag trabaho dito at sa mga kapatid nating naninilbihan sa mga pamilyang Iraqi at dayuhan na walang paraan na makadulog sa serbisyo ng isang embahada.

4. Upang matulungan mabigyan ng nararapat na benepisyo ang mga kababayan nating natanggal sa trabaho dahil sa paglala ng ekonomiya ng rehiyon.

5. Magsilbing daan upang maipalaganap ang ganda ng Pilipinas sa pamamagitan ng mabilis at tahasan pagsusuri ng mga "visa application" ng mga Iraqi na nais bumisita at/o magnegosyo sa Pilipinas.

6. Upang mapadali ang pagsumite ng reklamo, pag panibago ng pasaporte at makakuha ng agaran serbisyong ng embahada at mga kaukulang papeles.

7. Makapag anunsiyo ng mga impormasyon sa larangan ng edukasyon, turismo at pag negosyo sa Pilipinas ng mga "Iraqi"

8. Maging daan para sa mga kababayan nating nais mag negosyo sa Iraq tulad ng ibang bansang napasok na ng mga Pilipinong negosyante tulad ng UAE at Kuwait.

Maari pong pumirma kahit ang mga pamilya na nasa Pilipinas. Magtulong-tulong po tayo upang marinig ang ating tinig ng mga awtoridad sa DFA Manila.

Share for Success

Comment

72

Signatures