Gwendolyn Wong 0

No to 50 yrs Batelec Lipa Franchise Renewal

1359 signers. Add your name now!
Gwendolyn Wong 0 Comments
1359 signers. Almost there! Add your voice!
95%
Maxine K. signed just now
Adam B. signed just now

#NOtoAnother50YearsOfBATELECFranchise #AksyonLipa November 12, 2022

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD Lipa City Governmnt Lipa City Batangas Kagalang galang na Lipa City Council, Nais po naming ipabatid na kaming mga taga Lipa ay tutol sa muling pag-renew ng BATELEC sa panibagong limampung (50) taon ng serbisyo sa Lungsod ng Lipa.

Ang sunod-sunod at patuloy na pagtaas ng singil ng BATELEC ay matibay na patunay na nararapat nang aksyunan ang bagay na ito. Bilang mga mamamayan ng Lungsod ng Lipa, kami po ay nakikiusap na buksan po natin ang ating merkado sa iba’t-ibang Electrical Provider upang makatulong sa sa mga Lipenyo at mga establisimyento.

Hindi po lingid sa kaalaman ng lahat na ang maayos na pagbibigay ng serbisyo sa karapat-dapat na halaga ay malaking tulong para sa ika-uunlad ng ating bayan. Kung kaya’t bilang iisang mamamayan ng Lungsod ng Lipa, nais po naming iparinig ang aming boses sa pamamagitan ng naka-lakip na pirmadong petisyon na naglalaman ng pakiusap ng mga mamamayan para sa inyong sanggunian. Maraming salamat po at umaasa po ako, sampu ng mga naka pirma sa petisyong ito, sa inyong agarang pagdinig at aksyon.


Lubos pong gumagalang,

Hon. Gwendolyn K. Wong

Share for Success

Comment

1359

Signatures