amihan laguna Laguna 0

PAGBUO NG PROGRAMANG MAGPAPAHINTO SA PAGSUSUNOG NG BASURA SA LAGUNA

52 people have signed this petition. Add your name now!
amihan laguna Laguna 0 Comments
52 people have signed. Add your voice!
2%
Maxine K. signed just now
Adam B. signed just now

HINIHILING PO NAMIN ANG PAGPAPAHINTO SA PAGSUSUNOG NG LAHAT NG KLASE NG BASURA SA LALAWIGAN NG LAGUNA SA PAMAMAGITAN NG PAGBUO NG OPISINA NG PUNONG-LALAWIGAN NITO KATULONG ANG MGA MAY-KINALAMANG AHENSYA NG ISANG PROGRAMA ALINSUNOD SA REPUBLIC ACT 8749 AT REPUBLIC ACT 9003

Ang pagsusunog ng basura ay pangkaraniwan ng makikita at maaamoy sa lahat ng lugar sa Lalawigan ng Laguna. Ito ay isinasagawa mula pa noong unang panahon mula sa kanayunan hanggang urban areas at maging sa mga subdivisions hanggang mga bakuran ng mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan.

Ang open burning ay nagpo-produce ng pollutants na maski katiting lang ang masinghot natin nito ay magdudulot ng peligro sa ating kalusugan.

Ito ay of particular health concern dahil sa pagpo-produce nito ng significant amounts ng dioxins, isang potent toxicant na may potensyal na nagdudulot ng malawak na spectrum ng masasamang epekto sa tao sa ating reproduction at development, sa pag-suppress ng immune system, disruption sa hormonal system at cancer.

Lumilikha rin ito ng particulate matters o microscopic particles na sa sobrang liit ay nakakapasok sa ating baga at nagpapagrabe ng problema sa paghinga tulad ng hika at bronchitis at associated sa heartbeat irregularities at atake sa puso. Ang mga taong may sakit na sa baga at puso, ang matatanda at paslit ay nasa highest risk sa exposure dito.

Ang pagsisiga rin ay lumilikha ng polycyclic aromatic hydrocarbons, mga kemikal na matatagpuan sa particulate matters, usok at alipato mula sa di-kumpletong pagkasunog ng mga material. Ito rin ay nagdudulot ng cancer.

Lumilikha rin ito ng volatile organic compounds na lubhang masama sa tao na nagdudulot rin ng ground-level pollution o smog na nagpapalubha sa kondisyon ng mga mayroon ng problema sa paghinga at puso at iba pang problemang pangkalusugan. Ang paglanghap ng VOC ay nagdadala ng iritasyon sa mata, ilong at lalamunan, sakit ng ulo, kawalan ng koordinasyon, nausea, at pinsala sa atay, bato at central nervous system.

Isa pa ay ang carbon monoxide. Sa pagka-expose natin sa mababang levels lang ng CO tayo ay nakakaranas ng neurological symptoms kasama na ang sakit ng ulo, fatigue, nausea at pagsusuka.

Nagpo-produce din ito ng hexalchlorobenzene, isang persistent environmental toxin na nananatili sa hangin at naglalakbay ng malayo. Nagba-bioaccumulate ito sa mga isda at iba pang marine animals, ibon, lichens, at mga hayop na kumakain sa mga ito. Base sa pag-aaral conducted sa mga hayop, long-term low-level exposures rito ay pumipinsala sa developing fetus, nagdudulot ng cancer, kidney and liver damage, at nagsasanhi ng fatigue and skin irritation. Ang HCB ay probable human carcinogen at toxic sa anumang paraan na ma-expose tayo dito.

Naglilikha rin ang pagsusunog ng basura ng ash residue na may dalang toxic metals tulad ng mercury, lead, chromium, at arsenic. Nagsasanhi ito ng high blood pressure, cardiovascular problems, kidney damage, at brain damage. Dahil lingid sa atin, ikinakalat natin ang mga abong ito sa bakuran kapag nagsisiga. Ang mga punong kahoy at gulay na tutubo sa lupang ito ay naiipunan ng mga metal na ito na pumipinsala sa ating katawan kapag kinain. Nasisinghot ito ng ma batang naglalaro sa lupang ito. Iniaagos din ito ng ulan papuntang groundwater and surface water, na kumokontamina sa drinking water at pagkain natin.

Ang pagsusunog rin ng basura ay nag-aambag significantly sa ground-level pollution o smog at sa palala ng palalang climate change.

Mahalaga ring idagdag dito at gawing maliwanag na maging ang pagsusunog ng mga dayami, damo, dahon at kahoy gayundin ang balahibo ng mga hayop, ipa, kusot atmga katulad ay naglilikha rin ng mga toxins, compounds at particulate matters na ito, salungat sa lumang paniniwala na bilang mga halaman ang mga ito ay harmless sunugin. Ang usok ng mga “nabubulok na basura” ay nagtataglay ng mga katulad na sangkap na mayroon ang sigarilyo at ito kasing nakamamatay rin nito.

Ang pagtatambak po ng basura sa maling mga lugar ay naglalagay rin sa lahat sa parehong peligro. Ito ay naglilikha ng mga mikroboyo na pinagmumulan ng sakit at kamatayan at naglalagay ng lason sa ating hangin at groundwater ganoon din sa ating mga ilog at sapa at pumupunta sa mga pananim at iniinom ng mga hayop na ating kinakain at iniinom ang gatas at nagpapasa sa ating katawan ng mapapaminsalang sangkap nito, ganoon din sa mga ilog at dagat at kumokontamina sa mga ito at sa mga marine animals at halaman na nakatira at tumutubo sa mga ito na atin ding kinakain at naglilipat ng mga nakamamatay na sangkap nito sa ating katawan. Ito rin ay naglilikha ng pagbabara sa mga lagusan ng tubig nagreresulta sa pagbaha at mga paguho na libo-libong buhay na ang kinitil.

Dahil sa mga seryosong epekto nito dalawang Batas Republika ang nagbabawal sa pagsisiga. Ang Republic Act 8749 o The Clean Air Act na sumeseguro sa karapatan ng bawat mamamayan sa malinis na hangin at ang Republic Act 9003 o The Ecological Solid Waste Management Act kung saan sinasabing ANUMANG URI NG OPEN BURNING O PAGSISIGA AT MALING PAGTATAMBAK NG BASURA AY PAPANANAGUTIN NG BATAS. Nakatala rin sa dalawang batas na ito ang mga programa na dapat isinasagawa ng mga concerned na opisina ngunit nakakalungkot na labing-apat na taon na na matapos maging batas ang mga ito ay patuloy pa ring tinitignan ang maling pagtatambak at pagsisilab ng basura bilang maliit na bagay at nahahayaang maisagawa sa lahat ng lugar sa Laguna at sa kadahilanang mga ito LAHAT ng tao sa lahat ng lugar at sa lahat ng estado ng pamumuhay ay nae-expose sa mga mapanganib na mga epekto nito.

Sa harap po nito ay mapagpakumbaba at magalang naming hinihiling ang pagbubuo ng isang programa ng Opisina ng Gobernador ng Lalawigan ng Laguna kasama ang DENR, DOH, DEP ED, DILG, Bureau of Fire Protection, PNP, Philippine Information Agency, Mayor’s Office ng bawat Bayan ng Probinsiya at Barangay Offices ng mga ito na sasagot sa problema ng nagtambak na basura at pagsusunog ng basura sa Laguna.

HINIHILING PO NAMIN:

ANG MAIMPORMA AT MAEDUKA ANG PUBLIKO. Ang maipaaalam at totoong maipaunawa sa mamamayang Lagunense ang tunay na mapaminsalang epekto ng maling pag-handle ng kanilang solid waste lalo na ang pagtatambak nito sa maling mga lugar at pagsusunog nito at mabubuksan sa isip natin ang pagpapahalaga sa malinis na tubig, hangin at kapaligiran bilang inseperable sa ating personal na kalusugan at well-being.

Ganoon din po sa tama at responsableng pag-handle ng ating basura sa bahay man o sa mga napo-produce ng mga lugar hanapbuhay tulad ng mga gawaan ng manok, tistisan ng kahoy, furniture shops at kayasan ng kawayan, junkshops at mga palayan at maging mga animal farm sa nalilikha nitong baho, wood shops sa nalilikha nitong alikabok ng kahoy, hollowblock making shops sa nalilikha nitong alikabok mula sa semento, graba at buhangin, aircon at ref shops sa ikinakalat nito sa hanging mga kemikal, auto painting shops sa ikinakalat nito sa hanging pinong mga patak ng pintura na lubhang pumipinsala sa katawan at iba pang mga tulad nito.

Ang pagsesegregate ng mga ito at pagpo-promote ng pagre-recycle, reusing, repurposing, pagbebenta sa junkshop at magbobote, composting, mulching, paglikha ng organikong abono at iba’t-ibang paraan para mapakinabangan ang kanilang biodegradable waste at gayundin sa mga paraan para ma-reduce ang nililikha nating basura sa hindi paggamit ng single use o disposable na mga gamit.

Kasama rin po ang pag-obserba sa karapatan lahat sa malinis na hangin at kapaligiran at pag-encourage sa mamamayan na maging vocal at vigilant sa pagtataguyod ng sariling karapatan na ito sa pag-rereport ng mga paglabag dito.

Mahalaga rin hong maipaalam na ang pagluluto sa kahoy o uling ay naglalagay din sa mga miyembro ng bahayan sa risk gayon din sa mga residente malapit sa kanila at magawan ng precautions. Ayon sa World Health Organization ang pagluluto sa kalan de kahoy sa kusina ay parang pagsisindi sa 200 sigarilyo ng sabay sabay at ito ay kumikitil ng 3.5 milyong buhay taun-taon sa Asia. Gayon din po ang tungkol sa paninigarilyo at second at third hand smoke kung saan ang mga hindi naninigarilyo ang nalalagay sa risk.

Mahalaga pong ipaalam sa mga mamamayan ang tungkol sa clean air at ecological solid waste management act kung gaano kahalaga ang pag-obserba natin sa mga ito at mga multa at pagkakulong sa paglabag dito. Ganoon din at lalo sa mga kawani ng pamahalaan una na sa mga direktang tagapagpaganap ng batas tulad ng mga barangay tanod at pulis at mga pinuno ng tanggapang pampamahalaan.

Makakatulong din ng malaki ang adverts sa radyo at tv, mga articles sa mga pahayagan, posters and tarpaulins, sa mga social media at websites ng gobyerno at sa pagsasama nito sa itinuturo sa mga eskwelahan.

Mahalaga rin pong malinang sa kamalayan ng mamamayan ang disiplina at pagiging responsable sa sarili niyang kalat maging ito man ay balat ng kendi, upos ng sigarilyo, tisyung ipinahid sa mukha o balutan ng sitcherya.

ANG MAHAKUTAN NG BASURA ANG LAHAT NG BARANGAY SA LAGUNA. Ang hindi po paghakot ng basura at pagtatambak nito sa maling mga lugar kasama ng kawalan ng tamang kaalaman ang nagtutulak sa maraming tao na magsunog ng basura. Sa kasalukuyan po ay mga barangay lamang sa kabayanan at malalapit dito ang nadadaanan ng truck ng basura at hinihiling po namin na ang serbisyong ito ay ma-extend sa lahat ng barangay.

Hindi po kinakailangang pasukin ang pinakapusod at liblib na purok maaari pong maabisuhan ang mga mamamayan ng mga lugar na ito sa araw at oras kung kailan maaari nilang mabitbit ang kanilang ipahahakot na basura sa mga lugar na dinadaanan ng truck.

Ang karaniwang basurang hindi nabubulok ng isang regular household ay hindi pa hihigit sa isang sako sa nilolooban ng isang lingo kung kaya para sa mga munisipalidad na may limitadong kakayahang mahakutan ang lahat ng kanilang nasasakupan once a week ay sasapat na. Makatutulong na ito ay maisagawa ng regular at ng hindi pabago-bago ng oras upang hindi malito ang tao at mawalan ng ganang ilabas ang basura na kung hindi nahahakot sa tamang oras ay kinakakay ng aso at binubusbos ng mga mangangalakal. Mahalaga din hong maseguro na may sapat na kaalaman tungkol sa tamang pag-handle ng mahahakot na basurang mga ito ang bawat munisipalidad.

ANG MABANTAYAN ANG KARAPAT NG MAMAMAYAN AT MGA KOMUNIDAD LABAN SA MGA PAGLABAG AT ANG MAPATAWAN NG KARAMPATANG PARUSA ANG MGA PAGLABAG NA ITO. Ang mga batas laban sa maling pag-handle at pagtatambak nito sa maling mga lugar at pagsusunog ng basura at pagdudumi ng hangin ay iniakda para protektahan ang publiko. Maraming dahil marahil sa katamaran o katigasan ng ulo at pag-aakalang sila ay makakalusot pa rin ay patuloy magsisiga at magpapausok kahit na-eduka na sila tungkol dito. Ang mga barangay tanod po ang unang-unang nakakamonitor sa lahat ng sulok ng isang bayan at marapat lamang na maging kabisado nila ang mga passages ng dalawang batas may kinalaman sa violation at penalties para sa mabisang implementasyon nila nito.

Ang pagroronda ng mga tanod upang masawata ang krimen tulad pagnanakaw sa kanilang nasasakupan ay matagal ng isinagawa dati ngunit natigil nitong huli. Makakatulong po na ibalik ito upang bukod pa sa pagsawata sa krimen tulad ng pagnanakaw sa pamamagitan ng pagiging visible ng ating tanod ay masawata rin ang maling pagtatambak at pagsusunog ng basura na pareho ring krimen na nakakaapekto sa maraming buhay.

Ang pagsasailalim po sa ating mga tanod sa seminars tungkol sa usaping ito ay mahalaga. Sa aming karanasan sa paglapit sa ating tanod ay aming nakita na marami sa kanila ang hindi kumbinsido na mahalaga ang pagpapatupad ng mga batas laban sa paglapastangan ng kapaligiran at hangin. Sa aming pagsasampa ng reklamo, pupuntahan nila ang nagsisiga o nagtatambak ng basura sa maling mga lugar at patitigilin pero kapag umulit ito, na kalimitang nangyayari, ilalapit uli namin sa tanod pero tamad na silang puntahan at magsasabi ng “e matigas ang ulo ayaw sumunod e.” Sa paghaharap din sa baranggay di-maikakaila kung gaano nila minamani ang offense. Ganito rin po ang kaso sa maraming iba pang tanggapan na amin ng nilapitan kung kaya at inuulit naming ang kahalagahan na totoong maunawaan ng mga kawani ng mga ahensya ng pamahalaan ang tungkol sa kahalagahan ng pagpapatupad ng mga batas na ito.

Bilang kinatawan ng Law and Order, ang ating Kapulisan din ay marapat lamang maging aktibong bahagi ng pagpapatupad ng mga batas laban sa maling handling at pagsusunog ng basura. Maraming beses na naming nakita na may mga police officers na sila mismo ang nagsusunog ng basura o may nilalagpasan sila na nagsisiga o nagtatambak ng basura sa maling lugar. Magpapadala po ng magkasaliwang mensahe sa publiko kung ipapaalam sa kanilang nakakapinsala, mali at illegal ang magtambak ng basura at magsiga ngunit makikitang nilampasan lang ito ng pulis o makita nilang may usok ng basura mula sa isang istasyon ng pulis. Makakatulong din na isama ang talakaying ito sa kanilang seminars lalo na po ang tungkol sa dalawang nabanggit na Batas Republika at mga krimen laban sa kalikasan.

Mahalaga din sa layunin ang pagtatalaga ng isang task force ng Lalawigan at sa bawat bayan na magbabantay, sisita at huhuli sa mga maling pagtatambak na ito, sa pagkakaingin, pagsusunog ng dayami sa palayan, pag-uuling sa mababahay na lugar at mga paglabag katulad nito, at sa mga baranggay na hinahayaang magpatuloy ang mga ito at iba pang mga paglabag sa kanilang nasasakupan. Mahalaga ring i-anunsiyo ang hotline ng nasabing task force na maaaring tawagan anumang oras kung may sumbong na may kinalaman sa bagay.

PAGSISILBING EHEMPLO NG MGA OTORIDAD. Nabanggit sa itaas ang nakita na naming miyembro ng otoridad na sila pa ang nagsisiga o nahahayaan nilang maisagawa ito in their prescence. Marami ring kaso na sa baranggay clean up activities ang mga natabas na damo at nawalis na mga kalat ay ibinubunton at sinusunog ng mga baranggay officials at iba pang grupong may kinalaman sa komunidad. Mahalaga pong ang ating mga mga lider at iba pang kawani ng pamahalaan ay magsilbing modelo sa observance ng RA 8749 at RA 9003.

SALAMAT PO.

Share for Success

Comment

52

Signatures