Carlos Piocos 0

Suporta ng UP Alumni sa UK para kay Dr. Rolando Tolentino bilang susunod ng UP Diliman Chancellor

Show your support by signing this petition now
Carlos Piocos 0 Comments
0 people have signed. Add your voice!
0%

Mahal na Lupon ng mga Rehente: Mula sa mga mag-aaral at kabataang propesyunal na mga UP Alumni sa UK, ikinararangal naming i-endorso si Dr. Rolando B. Tolentino para maging susunod na Chancellor ng UP Diliman. Bilang bahagi ng malawak na komunidad ng mga iskolar na bayan, malay kaming nakikilahok sa mga usapin ukol sa direksiyon at kinabukasan ng aming mahal na pamantasan. Dahil dito, alam naming mahalagang bahagi ng aming partisipasyon ang pagpapahayag ng aming pagsuporta sa nararapat mamuno sa unibersidad Hindi kaila sa amin bilang mga dating guro, estudyante at kawani ng Unibersidad ng Pilipinas ang malawak na karanasan ni Dr. Tolentino bilang isang aktibong akademikong pinuno at miyembro ng komunidad ng unibersidad. Kilala siyang iskolar at propesor ng pelikula sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon at Kolehiyo ng Arte at Literature. Marami sa aming mga UP Alumni, kung hindi man naging kasamahan o dating mag-aaral, ang nakasalamuha si Dr. Tolentino sa kanyang mga aklat. Ang kaniyang mga naisulat at nailathalang libro, pang-akademikong pag-aaral, malikhaing akda at kritisismo ay batayang mga texto na ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa larangan ng humanidades, sosyolohiya, panitikan, pelikula, politika at ekonomiya. Hindi matatawaran ang kanyang kontribusyon sa pagpapaunlad ng kritikal at progresibong kaalaman. Sa katunayan, kinikilala ang akademikong kahusayan at pang-akademikong impluwensiya ni Dr. Tolentino sa unibersidad, sa bayan at kahit sa internasyunal na komunidad. Bukod sa akademikong kahusayan, saksi kami sa malawak na administratibong karanasan ni Dr. Tolentino. Kasalukuyan siyang Dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon ng UP Diliman. Naging Acting Director rin siya ng UP Film Institute. Pinatunayan ni Dr. Tolentino na madunong, matuwid at demokratiko siyang administratibong pinuno. Hindi rin nahahadlangan ng administratibong posisyon ni Dr. Tolentino ang pakikisangkot sa mga isyung pang-unibersidad at panlipunan. Aktibo siya sa mga komite ng University Council ng UP Diliman, laluna sa mga lokal (pang-unibersidad) at pambansang isyu at usapin. Nakita rin ang pagsandig ni Tolentino sa katotohanan at katarungan sa pamamagitan ng pamumuno at pakikipaglaban para sa mga karapatan ng kaguruan (laluna ng junior at untenured), kawani, REPS, estudyante, at iba pang sektor sa komunidad ng UP. Si Dr. Tolentino ay isang huwarang iskolar ng bayan para sa aming mga UP Alumni. Isa siyang inspirasyon para sa amin na magpatuloy maglingkod sa bayan at sa pamantasan, hindi lamang bilang mga iskolar kundi bilang mga mamamayang aktibong nakikilahok sa mga isyung panlipunan, at walang pagod na nakikibaka para sa pagbabago, sa loob at sa labas ng unibersidad, sa loob at sa labas ng Pilipinas. Sa mga kadahilanang ito, naniniwala kami na karapat-dapat na maging susunod na Chancellor ng UP Diliman si Dr. Rolando B. Tolentino. Sapagkat nangangailangan ang UP Diliman ng isang administratibo at akademikong lider na demokratiko, nakasandig sa katuwiran, tapat, makatao at makatarungan. Lubos na gumagalang,

Share for Success

Comment

Signature

No signatures yet. Be the first one!