Mt. 387 para sa KAPUNCAN



Ang Mt. 387 ay bahagi ng Talavera Watershed Forest Reserve ng Carranglan, Nueva, Ecija. Ang 387 na hektarya ng kagubatan na ito ay kasalukuyang kinukupkop ng organisasyong KAPUNCAN, o Kalinga sa Kalikasan ng Puncan, na binubuo ng mga residente't environmentalist ng Barangay Puncan na nagmamalasakit na pangalagaan at panatilihin ang mga natitirang kagubatan sa komunidad. 

Kaming mga mag-aaral ng Ateneo de Manila ay umaapela sa mga kapwa estudyante at mga mamamayan na nagmamahal sa Pilipinas at sa ating kalikasan, na suportahan ang kampanya ng KAPUNCAN para sa pagpapatuloy nang kanilang pangangalaga sa nasasakupan ng Mt. 387. Aming personal na natunghayan nitong nakaraang Hulyo ang kanilang masinsinang pangangalaga pati na rin ang mga nagawa nilang pagbabago't pagpapabuti sa kalagayan ng lugar simula ng mabuo ang kanilang organisasyon noong 2007. Ang mga myembro ay tulong-tulong na gumagawa ng tree-planting activities pati pag-patrol sa lugar laban sa mga sunog, treasure hunters at mga gumagawa ng uling na illegal na pumuputol ng mga puno. Naniniwala kami na pinaka-mainam na pahintulutan natin sila na ipagpatuloy ang mga programang kanilang nasimulan para sa Mt. 387, sa halip na malipat ang bundok sa kamay ng mga opisyal o organisasyon na may mga pansariling motibo lamang.

Links

http://kapuncan.multiply.com/

Discussion

No comments yet.

join the discussion

Recent signatures

  • username

    Eliane Miranda, Philippines

    2 years ago Comments: -
  • username

    Kohleen Fortuno, Philippines

    2 years ago Comments: I went here for immersion and I personally witnessed how much KAPUNCAN members really care for the environment around them and nature in general-- not just in word but in action. If Mt. 387 gets taken away from them, this could be just another sacrifice for the sake of growing cities but it will be a big loss for Puncan residents whose livelihood rely a lot on the mountain.

Petition highlights

There are no highlights yet.