Powered by iPetitions - Start your online petition now

The Petition

Mayo 20, 2008

Alpha Phi Omega International (Phils.), Inc.
270 Ermin Garcia St., Brgy. Silangan
Cubao, Quezon City

Hon. Bro. Mel Adriano
National President, DY 2007-2009

Hon. Bro. Egay Llarena
Chairman of the Board, DY 2007-2009


Mga Kapatid,

Pinamalas na po ng Supreme Adjudicatory Council (SAC) ang proseso nila sa pagdinig ng mga usaping APO Membership, higit sa lahat ang usaping may kinalaman sa membership ni Jho Fidel sa PSI Chapter at Majken Sumicad sa Delta Kappa Chapter.

Dahil sa pagkakalayo-layo ng mga Adjudicators ng SAC, ang kanilang talakayan, kung matatawag man ito na talakayan, ay watak-watak, hindi magkakasabay-sabay at taliwas sa kanila mismong “SAC Rules of Procedure”. Kahit pa sa pamamaraan ng modernong teknolohiya ay hindi din maaari dahil sa hindi naman lahat ng Adjudicator ay mayroong kakayanan o kapasidad na gumamit ng Internet. At kung ang Internet man ay magagamit, ito ay malayo pa rin sa talakayang sabay-sabay at harapan. Ilang libong pagpapalitan ng sulat man ay hindi pa rin makakapantay sa sabay-sabay at harapang talakayan na kung saan ang bawat Adjudicator ay may pagkakataong makinig, magmasid at makipagpalitan ng kanya-kanyang pananaw at pagpapahalaga sa bawat ebidensya o patunay, na siyang kinakailangan upang matupad ang itinatadhana ng Batas ukol sa “Procedural Due Process”.

Bunga ng kawalan ng maayos at masigasig na talakayan, ang SAC ay humantong sa mga desisyon na naging bulag at napabayaan ang mga mahahalagang ebidensya o pahayag.

Dahil dito. kaming mga Kapatid ninyo sa Alpha Phi Omega ay pinaabot ang aming hinaing. Ang aming nagkakaisang sigaw ay ang maisama sa agenda, mapagusapan at mapatupad ang mga sumusunod na pagbabago sa darating na Convention:

• Ang pagamienda sa ating Saligang Batas na ang lahat na mga Adjudicators ng SAC ay maging base sa Maynila. Ang detalye ay matatagpuan sa Internet:
http://organization.ofyourdream.com/amend_sac.html

• Ang pagpapawalang bisa sa desisyon ng SAC sa mga apela sa kaso nina Jho Fidel sa PSI Chapter at Majken Sumicad sa Delta Kappa Chapter

• Ang pagamienda sa ating Saligang Batas na magtatanggal ng kasalukuyang kapangyarihan ng SAC na baliwalain ang napagpasyahan na ng Board of Directors at kahit na ng General Assembly.

Dugo at pawis ang ating naging puhunan makapasok lang sa ating minamahal na Kapatirang Alpha Phi Omega. Sa iba pa ngang pagkakataon ay buhay ang naging kabayaran. Membership po ang nakataya dito at nararapat lang ang isang maayos at katanggap-tanggap na proseso ang umiral. Ano ang karangalang maibibigay ng deklarasyong miyembro mula sa SAC kung ang proseso naman nito ay hindi sapat at kaduda-duda Sa kabila nito, kahabag-habag din naman para sa isang tunay na APO na madeklara ng SAC na hindi-APO dahil lamang sa kakulangan sa ginagamit na proseso.

At bago mabigyan ng ibang pakahulugan nanaman ang ibig ipagtibay ng mga lumagda dito sa petisyon na ito, tulad ng nangyari sa PSI Alumni Association Resolution na bagamat pinasisinungalingan na nakapasa at naging miyembro si Jho Fidel sa PSI Chapter, ay pinawalang bisa ng SAC sa kadahilanang iba daw kasi ang lenguaheng ginamit (pahina 20-21, SAC Resolution, SAC Nos. 07-02/03-CoMe), kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinasaad nito at naiintindihan ng kahit na sinong matinong nakatapos ng mababang paaralan, aming ipinagtitibay na ang mga linalaman nitong petisyon ay nagkaisang sentimiento, pananaw, panukala at pahayag ng mga lumagda, binasa at naintindihan ang mga nilalaman at malayang lumagda na walang bahid ng pulitika, makasariling ambisyon, kabayaran o pabor, liban lang sa nagkaisang hangarin na iwasto ang mapaniil na proseso at manindigan sa katotohanan!

Itama na po natin habang hindi pa huli ang lahat.

Mabuhay ang Alpha Phi Omega.

Gumagalang,

Sign petition

 
 

Fields marked with * are required

Display options