Mayo 20, 2008
Alpha Phi Omega International (Phils.), Inc.
270 Ermin Garcia St., Brgy. Silangan
Cubao, Quezon City
Hon. Bro. Mel Adriano
National President, DY 2007-2009
Hon. Bro. Egay Llarena
Chairman of the Board, DY 2007-2009
Mga Kapatid,
Pinamalas na po ng Supreme Adjudicatory Council (SAC) ang proseso nila sa pagdinig ng mga usaping APO Membership, higit sa lahat ang usaping may kinalaman sa membership ni Jho Fidel sa PSI Chapter at Majken Sumicad sa Delta Kappa Chapter.
Dahil sa pagkakalayo-layo ng mga Adjudicators ng SAC, ang kanilang talakayan, kung matatawag man ito na talakayan, ay watak-watak, hindi magkakasabay-sabay at taliwas sa kanila mismong