kabataan partylist 0

Petisyon Para Pigilin ang Paglahok ng mga Nominado at Partylist ni GMA sa Eleksyong 2010

43 people have signed this petition. Add your name now!
kabataan partylist 0 Comments
43 people have signed. Add your voice!
43%
Maxine K. signed just now
Adam B. signed just now

Petisyon para pigilin ang pagsali ng mga nominado at party-list ni gloria sa eleksyong 2010

 

 Mahigpit na tinutulan ng Kabataan Partylist at mamamayang Pilipino ang lahat ng pagtatangka ng gobyernong arroyo na lumahok at magpapasok ng mga partido at nominado sa sistemang partylist sa eleksyong 2010. Nauna nang nagdeklara sila Angelo Reyes, dating kalihim ng Department of National Defense (DND) at kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), bilang kinatawan ng 1-Utak; si Jesli Lapuz na dating kalihim ng Department of Education (DepEd), na tatakbo bilang nominado ng A-Teacher; at si Mikey Arroyo, kongresman ng Pampanga at anak ni Gng. Arroyo, na tatakbo naman sa ilalim ng Ang Galing partylist. Ito ay ilan lamang sa mahabang listahan ng mga patatakbuhing kinatawan at partido nagyong 2010.  Ang ganitong pagtatangka ay dapat na tutulan at hindi pahintulutan ng Commission on Election (comelec). Ito ay sukdulang paglabag sa integridad ng sistemang partylist na dapat ay kumakatawan sa marginalized sectors o mga mamamayang inaapi at walang boses sa kasalukuyang gubyerno. Dagdag pa dito ay matagal nang pagtatangka ni gloria na magtagal sa poder sa pamamagitan ng pagdomina sa mababang kapulungan ng kongreso, mailusot ang chacha pagkatapos ng eleksyon at maging punong ministro nito. Kaya, nananawagan kami sa comelec na pigilan at harangin ang ganitong tangka ng administrasyong arroyo. Bilang pagpapakita ng paglaban dito, kakalapin natin ang 1 milyong pirma upang pigilan ang ganitong pagtatangka. Makikita sa ibaba at mga susunod na pahina ang pirma ng mga mamamayang nakikiisa sa panawagang ito!

Sponsor

kabataanpartylist.ncr@gmail.com

Links

kabataanpartylist.com
Share for Success

Comment

43

Signatures